Size / / /

Ano mang oras ito, hindi ito
huli o una:  Muli, narito (huli ng asetiko)

Kahapon ay maliyab at itimang musang.
Ngayon ay puting usa at mala-kastanyong sungayan.

Pambihirang mga hayop, wika
nilang kampesino.  Ngunit mas pambihirang

hayop, umano, yaong nakabibitag
ng kaniyang mangangaso,

bulong ng bulag na ermitanyong
nasumpungan din niya minsan sa gubat.

Pinahid niya ang pawis sa kaniyang sentido
at tinungga ang natitirang tubig sa kantin.

Maigting sa paglagok, may malalim
na sugat ang kaniyang lalamunan.



Mesándel Virtusio Arguelles’s seventeen books in Filipino include Kurap sa Ilalim (De La Salle University Publishing House, 2016) and a volume of selected poems, Ang Iyong Buhay ay Laging Mabibigo (Ateneo de Naga University Press, 2016). He is a two-time finalist for the Philippine National Book Award.